Cong. Helen Tan naghain na ng COC para kumandidato bilang gobernador ng Quezon Province

Naghain na rin ng certificate of candidacy si Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan para kumandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan.

Si Tan ay tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Running mate naman nito si Third Alcala.

Maliban sa dalawa, naghain na rin ng COC sina Cong. Mark Enverga na kakandidato bilang kinatawan ng unang Distrito ng Quezon, Bokal Reynan Arogancia bilang kinatawan ng ikatlong Distrito, at Atorni Mike Tan bilang kinatawan naman ng ika-apat na Distrito ng Quezon.

Ayon kay Tan, sakaling palarin at mahalal bilang gobernador ng lalawigan ay ipagpapatuloy nya ang nasimulang HEALING Agenda o Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure Development, Nature/Environment/Tourism at Good Governance.

Tutukan rin aniya ang pagpapalakas ng mga programa at proyektong pangkalusugan lalo na at patuloy pa ang banta ng pandemya, mga programa para sa pangkabuhayan, at paglikha ng mas maraming trabaho.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: