Congressman Alan Peter Cayetano, Pinasalamatan ni Senator Ralph Recto sa kanyang serbisyo bilang house speaker

Pinasalamatan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto si Taguig Pateros Congressman Alan Peter Cayetano sa naging serbisyo nito bilang house speaker.

Ayon kay Recto, bagamat maikli ang naging termino ni cayetano, sa panahon nito napagtibay ang maraming panukalang kasama sa priority agenda ng administrasyon duterte.

Isang magaling na sundalo rin aniya si Cayetano dahil iniwan nito noon ang pagiging senador para tumulong sa gobyerno nang magsilbi syang kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Naniniwala si Recto na hindi pa dito natatapos ang political career ni Cayetano at Maari pa rin aniya itong bumalik sa senado kung nanaisin nito.

Sina Recto at Cayetano ay magkapartido at kapwa miyembro ng Nacionalista party.

Meanne Corvera

Please follow and like us: