Consular offices ng DFA sa NCR plus area, nagbukas na pero limitado lamang sa mga emergency appointments

Nagbukas na ngayong araw April 12 ang mga Consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa Metro Manila plus area.

Ito ay matapos isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang nasabing mga lugar hanggang katapusan ng Abril.

Batay sa advisory ng DFA, kabilang sa mga tanggapang nagbukas na ay ang Consular offices sa Aseana, Parañaque City, Antipolo, Dasmariñas, Malolos at San Pablo.

Gayunman, limitado lamang sa mga emergency at urgent cases ang kanilang tatanggapin dahil na rin sa ipinatutupad na skeleton workforce sa mga tanggapan.

Ayon sa DFA, ang mga passport at authentication appointment na naapektuhan ng ECQ at MECQ declaration ay may inilaang schedule at petsa.

Ang mga revised appointment schedule para sa mga apektadong passport applicants ay makikita sa mga link na nakapaskil sa FB official page ng DFA.

Please follow and like us: