Court hearings sa ilang korte na naapektuhan ng Odette, suspendido hanggang katapusan ng Enero

Hindi pa rin makababalik sa normal na operasyon ang ilang hukuman sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Sa abiso mula sa Supreme Court Public Information Office, suspendido ang mga pagdinig sa ilang hukuman hanggang Enero 31.

Partikular na sa Surigao City Regional Trial Court Branches 29, 30, at 32 bunsod ng kawalan ng suplay ng kuryente.

Gayundin, sa 1st Municipal Trial Court In Cities ng San Jose-Basilisa- Dinagat-Cagdianao sa Dinagat Islands dahil sa mga pinsalang tinamo dala ng bagyo.

Moira Encina

Please follow and like us: