Naitalang new COVID-19 cases sa bansa ngayong araw umabot sa 4,600 – DOH

Tumaas pa ang naitatalang bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa.

Ayon sa Department of health ngayong araw ay nakapagtala ng 4,600 na bagong kaso kaya umabot na sa 2,851,931 ang kabuuang kaso ng COVID-19 .

Sa bilang na ito 21,418 ang aktibong kaso.

May 535 na naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,778,943 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

May 25 naman ang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 51,570 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Please follow and like us: