COVID-19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 566 libo

Umakyat na sa 566,420 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 30,970 lamang ang aktibong kaso.

May 1,557 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 392 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 523,321 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 22 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,129 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: