Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 257, 863

Karagdagan pang 4,935 bagong mga kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Covid-19 cases sa bansa.

Dahil dito, pumalo na 257,863 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Gayunman, naragdagan din ng 659 pasyente na gumaling o nakarekober sa karamdaman.

Kaya umakyat na sa 187, 116 ang total recoveries sa Covid-19 sa bansa.

Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na naitalang mga bagong kaso ng Covid-19 na nasa 2,025.

Sinundan ng Region 4-A na may 872 new cases at Region 3 na may 330 new cases.

=========

Please follow and like us: