Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 383,113; DOH nakapagtala ng bagong 2,396 mga kaso

Umakyat na sa 383,113 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos may maitalang 2,396 na bagong kaso ng virus infection ang Department of Health (DOH).

Bumaba naman sa 27,115 na lamang ang bilang ng aktibong kaso.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 148 new cases, Quezon City na may 146 new cases, Laguna na may 122 new cases, Cavite na may 112 new cases at Benguet na may 100 new cases.

Umakyat naman na sa 348,760 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 17,727 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 17 naman na bagong nasawi dahil sa virus. Dahil rito, umabot na ngayon sa 7 238 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo


Please follow and like us: