COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa 396,395

Umakyat na sa 396,395 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,442 na bagong kaso ng COVID-19.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 138 new cases, Manila na may 131 new cases, Benguet na may 130 new cases, Batangas na may 113 new cases at Bulacan na may 112 new cases.

Umakyat naman na sa 361,638 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 11,430 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 54 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,539 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: