Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 291,000

Umakyat na sa 291,789 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,635 bagong virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 583 new cases.

Sinundan ng Cavite na may 102 new cases, Iloilo na may 97 new cases,   Rizal na may 67 new cases at Cebu na may 57 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 450 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil dito umakyat na sa 230,643 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.

Nakapagtala naman ang DOH ng 50 na bagong nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 38 ay nasawi ngayong Setyembre, 8 noong Agosto, 3 noong Hulyo, at 1 noong Abril. 

Sa ngayon, pumalo na sa 5,049 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.

May 36 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: