COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 516 na libo

Umakyat na sa 516,166 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 30,357 lamang ang aktibong kaso.

may 1,173 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cebu City na may 84 new cases, Davao City na may 67 new cases, Cavite na may 51 new cases, Quezon City na may 47 new cases at Rizal na may 41 new cases.

Mayroon namang 18 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 475,423 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 94 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,386 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo