Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 533,000

Umakyat na sa 533,587 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 34 255 lamang ang aktibong kaso.

May 1,894 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health (DOH).

Mayroon namang 397 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 488,274 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 61 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 11 058 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: