COVID-19 cases sa hanay ng healthcare workers umabot na sa 14,874

Umakyat na sa 14,874 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa hanay ng healthcare workers dito sa bansa.

Sa datos ng Department of Health, sa bilang na ito 14,671 ang nakarekober na mula sa sakit.

Habang nasa 121 na lamang ang bilang ng aktibong kaso.

Sa mga aktibong kaso na ito,76 ang mild, 25 ang asymptomatic, 10 ang severe, 8 ang nasa critical condition habang 2 ang nasa moderate condition.

Nasa 82 naman ang bilang ng mga nasawing healthcare worker dahil sa covid 19.

Kaugnay nito, patuloy naman ang apila ng DOH sa mga healthcare worker na magpabakuna na kontra COVID- 19.

Tiniyak ng DOH na ligtas at epektibo ang Sinovac vaccine.

Madz Moratillo

Please follow and like us: