Covid-19 cases sa hanay ng mga Filipino sa ibang bansa, naragdagan pa ng 41

Nakapagtala ng panibagong 41 kaso ng Covid-19 ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa hanay ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

Sa datos ng DFA, dahil sa panibagong mga kaso, umakyat na sa 18,457 ang kabuuang Covid-19 cases.

Samantala, may naitala rin na 3 nakarekober sa virus infection kaya umakyat na sa 11,292 ang mga gumaling sa sakit.

Wala namang naitalang karagdagang mga nasawi dahil sa virus kaya nanatili sa 1,147 ang Death toll.

Please follow and like us: