COVID-19 cases sa health workers, umabot na sa mahigit 14,000

Dalawang health workers ang naragdag sa bilang ng mga nasawi sa nakalipas na linggo.

Batay sa datos ng Department of Health, nakapagtala ng kabuuang 14,257 ang confirmed cases sa hanay ng mga health worker.

321 naman ang active cases na ngayon ay sumasailalim sa quarantine o nagpapagaling sa ospital.

Samantala , nakapagtala ng 13,858 na recoveries mula sa virus .

Please follow and like us: