Covid-19 Delta variant, pangunahing dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga gustong magpabakuna-Malakanyang

Nagpahayag ng paniniwala ang Malakanyang na ang pagkakaroon ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang dahilan kaya dumami ang gusto nang magpabakuna.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na iniulat ng mga local government executive sa Inter Agency Task Force (IATF) na tumaas ang bilang ng mga nagpaparehistro para magpabakuna laban sa COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Roque batay sa record ng mga ospital karamihan sa mga tinamaan ng COVID-19 ay pawang hindi pa nababakunahan.

Inihayag ni Roque, sisikapin ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng mamamayan sa lalong madaling panahon hanggat may available na anti COVID 19 vaccine para makamit na ang population protection upang makabalik na sa normal ang buhay at pamumuhay ng bawat mamamayan.

Vic Somintac

Please follow and like us: