COVID-19 patients sa ilang temporary treatment facilities na nasa flood prone areas inilikas na

Tiniyak ng Department of Health na nasa ligtas na lugar ang mga pasyente at staff ng mga Temporary treatment facilities na nasa mga bahaing lugar.

Ayon sa DOH ang mga pasyente at staff sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum, Philippine Arena at PICC Temporary Treatment at Monitoring Facilities ay inilikas na sa mga oplan kalinga hotel.

Nangangalap naman na ng report ang DOH sa sitwasyon ng mga TTMF sa iba pang lugar na naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Samantala, tiniyak naman ng DOH na may mga naka preposition na silang gamot at iba pang medical supplies at PPE’s at iba pang COVID-19 supplies sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Nakaalerto rin ang kanilang health emergency response team.

Madz Moratillo

Please follow and like us: