COVID-19 Response programs sa Taguig City, tiniyak na ipagpapatuloy sa gitna ng pagpapalit ng Administrasyon

Tiniyak ni Taguig city Mayor Lani Cayetano ang pagpapatuloy ng Covid-19 response programs ng lungsod.

Ayon kay Cayetano, makakaasa ang mga Taguigeño na sa mas lalu pang pagpapalakas at pagpapalawak ng mga programang pangkalusugan na sinimulan ni Mayor Lino.

Kahapon, sa kaniyang unang araw ng pagbabalik bilang alkalde ng lungsod, sumabak agad siya sa trabaho.

Nag-ikot din siya sa ilang barangay at binisita ang work for pay orientation na ginanap sa R.P. Cruz Elementary School na dinaluhan ng mahigit 200 benepisyaryo.

Nakipagpulong din si Mayor Lani sa pinuno ng pulisya sa Taguig at mga Kapitan ng Barangay.

Kabilang naman sa kaniyang unang Executive Order ay ang ginagawang institusyunal ang faith-based values oriented leadership sa Taguig.

Madz Moratillo

Please follow and like us: