COVID-19 vaccine ng Sinovac epektibo parin kahit abutin ng ilang buwan bago makuha ang 2nd dose

Nilinaw ng Department of Health na magiging epektibo parin ang COVID 19 vaccine ng Sinovac kahit abutin pa ng 3 hanggang 6 na buwan bago maibigay ang 2nd dose nito.

Ito ang inihayag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, kasunod na rin ng pangamba ng ilang kababayan natin na dapat ay tatanggap ng 2nd dose ng Sinovac Vaccine pero hindi natuloy.

Gaya sa Taguig City na tigil muna ang pagbabakuna ng 1st at 2nd dose ng Sinovac Vaccine dahil wala pa silang go signal para magamit.

Wala pa kasi ang Certificate of Analysis ng mga bakuna na magmumula sa Manufacturer.

Pero apila ni Vergeire sa publiko huwag namang paabutin ng ilang buwan bago magpa second dose ng bakuna.

Mahalaga aniyang bumalik sa vaccination center kung naka schedule na para sa 2nd dose kung may available namang bakuna.

Madz Moratillo

Please follow and like us: