COVID wards at critical care units ng St. Luke’s Medical Center sa QC at Global City, puno na

Naabot na ang full capacity ng COVID-19 wards at critical care units ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Global City.

Sa abiso ng pagamutan, sinabi din na may iba pa itong mga pasyente na naghihintay na ma-admit sa emergency rooms.

Kaugnay nito, hinimok ng St. Luke’s Medical Center ang mga may sintomas ng COVID at nangangailangan ng urgent medical treatment na ikonsiderang magpatingin at magpagamot sa ibang ospital at healthcare institutions.

Umapela rin ang pagamutan sa publiko na sundin ang health at safety protocols para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: