CrowdStrike, maaaring kasuhan ng Delta dahil sa computer outage na nagresulta sa kanselasyon ng 7,000 flights

0
photo_2025-05-20_15-26-01

Delta Airlines passenger jets are pictured outside the newly completed 1.3 million-square foot $4 billion Delta Airlines Terminal C at LaGuardia Airport in the Queens borough of New York City, New York, U.S., June 1, 2022. REUTERS/Mike Segar/File Photo

Ipinasya ng isang Georgia state judge, na maaaring ituloy ng Delta Air Lines ang marami sa mga demanda nito na naglalayong papanagutin ang cybersecurity company na CrowdStrike, para sa isang massive computer outage noong July ng nakalipas na taon, na nagresulta upang makansela ang pitonglibong flights.

Sa isang desisyon, sinabi ni Judge Kelly Lee Ellerbe ng Fulton County Superior Court, na tinangka ng Deltang patunayan ang matinding kapabayaan ng CrowdStrike na ipilit ang isang defective update ng kanilang Falcon software sa customers, na nagdulot nang pag-crash ng mahigit sa 8 million Microsoft Windows-based computers sa buong bansa.

Passengers check in at a counter of Delta Air Lines in Mexico City, Mexico, August 8, 2016. To match Analysis DELTA AIR-OUTAGES/IT REUTERS/Ginnette Riquelme/File Photo/File Phot

Pinahintulutan din ng hukom na nakabase sa Atlanta ang Delta, na ituloy ang isang computer tresspass claim at isang narrowed claim na nanlinlang ang CrowdStrike nang mangako ito na i-introduce ang isang “unauthorized back door” sa computers ng carrier.

Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ng CrowdStrike na si Michael Carlinsky na tiwala siyang makikita ng hukom na walang merito ang kaso ng Delta, o lilimitahan ang mga pinsala sa “single-digit millions of dollars” sa ilalim ng Goergia law.

People speak to Delta agents as they try to rebook their travel plans after long delays following cyber outages affecting airlines at Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport in Atlanta, Georgia, U.S., July 22, 2024. REUTERS/Megan Varner/File Photo

Sa kabilang banda, sinabi ng Delta na nakabase sa Atlanta, na masaya ito sa desisyon at nananatiling tiwala sa mga merito ng kaso.

Kinasuhan ng carrier ang Austin, Texas-based CrowdStrike tatlong buwan pagkatapos mangyari ang outage noong July 19, 2024 na umantala sa biyahe ng 1.4 million Delta passengers.

Una nang sinabi ng Delta, na ang nangyaring outage ay ikinalugi nila ng $550 million at dagdag pang mga gastusin, na na-off set ng $50 million ng fuel savings.

Passengers stands in a line at Delta Airlines’ counter following a global IT outage, at Haneda International Airport in Tokyo, Japan July 19, 2024. REUTERS/Kim Kyung-Hoon/File Photo

Noong May 6, sinabi ng isang federal judge sa Atlanta na dapat harapin ng Delta ang isang panukalang class action ng mga pasahero na nagsabing labag sa batas ang pagtanggi ng carrier na ibalik ng buo ang ginastos ng mga pasahero matapos makansela ang kanila biyahe dahil sa outage.

Ang outage ay naging sanhi rin ng pagkaantala sa biyahe ng iba pang airlines, ngunit madali namang naresolba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *