Curfew hours sa San Juan City mas pinaikli pa

Mula alas-12nn ng hatinggabi hanggang alas-3 ng madaling araw na ang curfew sa San Juan City.

Ito ay mula sa dating alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

Mas pinaikli pa ang curfew hours sa lungsod kahit nananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Metro Manila.

Gayunman, patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na sundin ang mga precautionary measures at hygiene protocols para maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

Exempted pa rin sa curfew ang mga health workers at iba pang frontline personnel gaya ng pulis, sundalo at iba pang alagad ng batas.

Hindi rin kasama sa curfew ang mga naka-duty na government at private employees, mga nasa delivery services ng basic essentials, at may kinakaharap na emergency.

Moira Encina

Please follow and like us: