Cusi wing ng PDP-Laban, inendorso si BBM sa pagka- pangulo

Si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inendorso ng paksyon ng PDP-Laban na sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa resolusyon ng PDP- Laban wing ni Energy Sec. Alfonso Cusi, si Marcos ang kandidato na may plataporma na pinakamalapit sa development program ni PRRD.

Sinabi sa resolusyon na matapos ang maingat at mabusising deliberasyon ay inendorso ng National Executive Committee ng partido si BBM.

Ito ay para na rin maisulong anila ang “Unity for Sustainability.”

Kabilang sa pumirma sa resolusyon sina Cusi, PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, Sen. Bong Go, at 11 pang opisyal ng partido.

Nagpasalamat naman ang panig ni Marcos sa PDP-Laban sa pagsuporta sa kanyang kandidatura.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: