Dalawa katao, pinatay ng anak na lalaki ng isang deputy sheriff sa Florida State University

Students and faculty were told to shelter in place as police responded to the shooting (Photo: Reuters)
Dalawa katao ang pinatay ng anak na lalaki ng isang deputy sheriff, at apat na iba pa ang nasugatan sa Florida State University (FSU) nitong Huwebes (April 17), bago siya binaril ng mga awtoridad na sanhi ng pagkaka-ospital nito.
Naniniwala ang pulisya na ang gunman, anak na lalaki ng isang Leon County sheriff deputy ay mag-isa lamang na gumawa ng krimen, ngunit hindi pa alam ang motibo.
Ayon pa sa pulisya, nakuha ng suspek ang handgun ng kaniyang ina, na dati nitong service weapon ngunit binili niya ito mula sa deprtamento kaya naging personal na niyang baril.

People being evacuated from the Florida State University campus after a mass shooting in Tallahassee (Photo: Reuters)
Sinabi ni Leon County Sheriff Walter McNeil, “Unfortunately, her son had access to one of her weapons that was found at the scene.”
Sabi naman ni Mr. Jason Trumbower, hepe ng police force ng unibersidad, na ang bente anyos na suspek, na nakilalang si Phoenix Ikner, ay pinaniniwalaang estudyante sa FSU sa state capital ng Tallahassee.
Aniya, ang dalawang namatay ay hindi mga estudyante, ngunit hindi na siya nagbigay pa ng detalye tungkol sa apat na iba pang nabaril at nasugatan.
Binaril ng mga rumespondeng pulis ang gunman nang tumanggi itong sumuko, at ikinostudiya. Ang apat na sugatang mga biktima at ang gunman ay pawang dinala sa ospital dahil sa mga sugat mula sa tama ng bala ng baril.

Evacuees watching law enforcement officers at work after the mass shooting (Photo: Reuters)
Ang April 17 incident ay ikalawa nang shooting incident sa FSU campus sa labinglimang taon.
Ang pamamaril ay nangyari malapit sa student union building sa campus ng FSU.
Mahigit sa 42,000 mga estudyante ang dumadalo ng klase sa main campus.

More than 42,000 students attend classes at the main campus (Photo: Reuters)
Kuwento ng estudyanteng si Max Jenkins, “The shooter leaves the student union building and firing four or five shots outside. He saw the maintenance guy who was waving everybody and I guess heard him probably and turned and shot that way.”
Dagdag pa niya, “There’s a golf cart over here with a bullet hole in it.”
Bukod sa handgun, naniniwala rin ang mga awtoridad na may dala ring shotgun ang suspek nang magtungo ito sa campus, ngunit hindi sila tiyak kung ito ba ay ginamit din sa pamamaril.