Dalawang bangkay natagpuan sa Alcala, Cagayan

photo credit: PCG

Bagamat naging matagumpay ang pag-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) District North Eastern Luzon sa ilang mga residente sa Alcala, Cagayan, bangkay na nang matagpuan ang dalawa katao.

Natagpuan ang mga bangkay ngayong umaga ng Nobyembre 15.

Base sa imbestigasyon, residente ng Barangay Pared, Alcala, Cagayan ang dalawang bangkay na ito na isang 49-year-old na babae at 45-year-old na lalaki.

Nauna nang sinabi ni PCG spokesperson Commodoret Armand Balilo na nasa 129 personnel ang itinalaga upang umalalay sa Provincial personnel na nagsasagawa ng operasyon simula nang mag-umpisa ang bagyo.

Nag-deploy din aniya ang PCG ng nasa 41 rubber boats para sa rescue operation.

Please follow and like us: