Dalawang centenarians sa lungsod ng San Jose Del Monte, pinagkalooban ng cash assistance

122133067_343037226979333_2753389785525792198_n

Dalawang centenarian mula sa lungsod ng San Jose Del Monte, sa probinsya ng Bulacan ang pinagkalooban ng centenarian cash assistance.

Ang mga ito ay sina Rocon B. Macaondar, 107 taong gulang mula sa Brgy. Gaya-gaya, at Herminigilda D. Domondon, 100 taong gulang mula naman sa Brgy. San Manuel.

Ang dalawang centenarian ay personal na binisita ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna nina Mayor Arthur B. Robes at Congresswoman Florida P. Robes.

Bukod sa cash, ay may ibinigay ding bigas at grocery package para sa pamilya ng mga centenarian.

Cez Rodil