Dalawang katawan nadiskubre sa manhole sa labas ng Kyiv

A body’s hand is seen in a mass grave in Bucha, near Kyiv on April 9, 2022. (Photo by Sergei SUPINSKY / AFP)

Dalawang katawan ang nadiskubre sa loob ng manhole sa isang petrol station sa isang motorway sa labas ng Kyiv nitong Linggo, Ang mga bangkay ay lumilitaw na nakasuot ng sibilyan.

Gumamit ng isang tanker ang mga pulis at militar para higupin ang tubig mula sa manhole.

Isa sa dalawang bangkay na nasa loob ay nasa ilalim ng isang sleeping mat. Ang mga katawan ay natuklasan sa isang motorway sa kanluran ng Kyiv, malapit sa village ng Buzova.

Makikita sa mga bangkay ang ilang sibilyang pananamit, nguni’t ayon sa mga tagaroon maaaring ang mga ito ay mula sa territorial defence.

Sinabi ng Ukraine na nakatuklas ito ng bakas ng katawan ng mga sibilyan sa mga bayan sa labas ng Kyiv kung saan umatras ang hukbo ng Russia, na inaakusahan ng war crimes.

Nakilala naman ng isang babae ang isa sa mga bangkay na anak niya sa pamamagitan ng kasuotan nito sa paa.

Hinintay pa ng mga pulis ang demining teams bago i-ahon ang mga bangkay. Ang improvised grave ay nasa likod ng isang wasak na motorway petrol station.

May mga marka ng tangke na makikita sa kalsada at may dalawa ring wasak na tangke malapit sa istasyon.

Please follow and like us: