Dalawang kawani ng Taguig City RTC Branch 15, nagpositibo sa Covid -19

—-

Nagpositibo sa Covid-19 ang dalawang court personnel ng Taguig City Regional Trial Court Branch 15.

Batay ito sa isinagawang RT-PCR swab testing ng Philippine Red Cross noong September 10.

Dahil dito, ipinag-utos ni Vice- Executive Judge Mariam Bien na sumailalim sa 14-day self-quarantine o mula September 10 hanggang September 24 ang Presiding Judge at ang lahat ng tauhan ng Branch 15.

Inatasan din ang mga court personnel na muling magpa-swab test dahil na-exposed ang mga ito sa dalawang Covid positive employees.

Sarado rin ang hukuman sa mga nasabing petsa pero tuloy pa rin ang operasyon sa pamamagitan ng kanilang hotlines at email addresses.

Iniutos din sa mga kawani ng korte na magtrabaho muna sa kanilang tahanan habang naka-quarantine.

Tuloy naman ang mga nakaiskedyul na videoconferecing hearings ng Branch 15.

Moira Encina

Please follow and like us: