Dalawang milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga buy-bust operation

Nasabat ng mga awtoridad, ang nasa dalawang milyong pisong halaga ng shabu mula sa isang high-value target, sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), batay sa report ng Police Regional Office 9, naaresto sa isinagawang operasyon noong December 23 si Fahad Werble alias Fahad, sa Asinan, Barangay Kasanyangan.

Bukod sa 280 gramo ng shabu, nakuha rin sa suspek ang isanglibong pisong marked money, at 69 na P1,000 bills.

Ang mga nakumpiskang item ay dinala sa Crime Laboratory Office sa Police Regional Office 9 para sa imbenteryo at kaukulang disposisyon.

Ang suspek ay mahaharap sa mga kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Liza Flores

Please follow and like us: