Danny Green ng Lakers, nakatanggap ng death threats matapos mabigong ibuslo ang isang three-point shot

Napag-iwanan ng isang puntos ang Los Angeles Lakers, nang hindi maibuslo ng guard na si Danny Green ang bola sa natitirang 7.1 segundo ng game five ng NBA finals.

Dahil dito ay nakatanggap si Green ng death threats.

Gayunman, sinabi nito na hindi siya nabahala nang makatanggap ng death threats sa social media.

Ayon kay Green, sila ng kaniyang fiancee na si Blair Bashen na dating collegiate volleyball player, ay kapwa nakatanggap ng death threats matapos mabigo ang Lakers na ipanalo ang laro.

Aniya, nasanay na siya sa social media bullying, kayat balewala sa kanya ang opinyon ng mga ito.

Sinabi ni Green, na ang mas mahalaga sa kaniya ay ang tiwala at paniniwala ng mga kapwa niya manlalaro, at ang lakas ng loob na ibinibigay ng mga ito sa kaniya.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: