Dating Health Secretary Garin, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si dating Health Secretary Janette Garin.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Garin, na isa na ngayong kinatawan ng unang distrito ng IloIlo, ito’y sa kabila nang pagsunod niya sa minimum health protocols at dagdag na pag-iingat.

Aniya, mild lamang ang kaniyang mga sintomas gaya ng sipon, ubo, at lagnat.

Si Garin ay pinayuhan ng kaniyang doktor na mag-home quarantine, at isasailalim siya sa mahigpit na monitoring dahil siya ay tachycardic o mabilis ang heart rate.

Ayon sa dating kalihim ng DOH . . . “It is fortunate that I am fully vaccinated. I can sleep soundly with the hope that this will not be severe despite my pre-existing conditions: asthma, hypertension and Raynaud’s disease.”

Dagdag pa niya, pinayuhan na rin na magpatest at magself quarantine, ang mga naging close contact niya mula noong Lunes

Please follow and like us: