Dating Pangulong Erap Estrada, makalalabas na ng ospital ngayong araw

Kinumpirma ni dating Senador Jinggoy Estrada na makakalabas na ng pagamutan ang kaniyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada ngayong araw, April 26.

Ito ang inanunsyo ng former Senator sa kaniyang Facebook page.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Jinggoy sa mga doktor na gumamot at tumingin sa kaniyang ama habang nagpapagaling sa Covid-19.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng kanilang tagasuporta at nakisimpatiya sa kanilang pamilya panahon ng pagkakasakit ng kaniyang ama.

Marso nitong taon nang magpositibo sa Covid-19 ang dating Pangulo pero nagnegatibo naman sa virus noong April 13.

Pero kinailangan nitong ibalik muli sa ICU dahil sa Lung infection.

Please follow and like us: