Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, naghain na rin ng COC

Naghain na rin ng Certificate of Candidacy upang kumandidato bilang kinatawan ng 2nd District ng Pampanga si Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Congressman Mikey Arroyo.

Ang kanyang abogado na si Atty. Peter Paul Maglalang ang naghain ng COC para sa dating Pangulo sa Office of the Provincial Election Supervisor sa San Fernando, Pampanga noong Oktubre 1.

Si Arroyo ay kumakandidato sa ilalim ng Lakas-CMD party.

Madz Moratillo

Please follow and like us: