Dating Pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na

Pumanaw na si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos isugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City dahil sa hindi pa tinukoy na karamdaman.

Ito ang kinumpirma ng ilang malalapit na kaibigan at dating opisyal ng gabinete ni dating Pangulo Aquino, tulad nina dating Supreme Court Justice Adolf Azcuna na minsang nagsilbi bilang legal counsel sa Aquino administration at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na nagsilbing peace negotiator ng dating Pangulo,

Wala pang opisyal na announcement ang pamilya Aquino ukol dito.

Si Noynoy ay nagsilbi bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Please follow and like us: