Dating US Secretary of State Colin Powell, pumanaw na

IMG_20211019_102048

Pumanaw na ang dating military leader at unang black US Secretary of State na si Colin Powell sa edad na 84.

Ayon sa pamilya ni Collin, kumplikasyon sa Covid-19 ang sanhi ng kamatayan nito.

Nakasaad sa social media post ng pamilya ni Collin, na nawalan sila ng pambihirang asawa, ama, lolo at isang dakilang Amerikano. (AFP)