Dating VP Binay, nagpahayag ng pakikiramay sa pagkamatay ni dating Pangulong Aquino

Nagpahayag ng pakikidalamhati si dating Vice-President Jejomar Binay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kaniyang statement sa social media, sinabi ng dating opisyal na maaaring mayroon silang magkaibang pananaw ng dating Pangulo pagdating sa usaping pulitika ngunit hindi nito matatawaran ang ilang taon nang pagiging magkaibigan ng kanilang pamilya.

Si Binay ang nagsilbing ikalawang Pangulon ng Republika ng Pilipinas sa panahon ng administrasyon ni Noynoy Aquino.

Please follow and like us: