Davaoeños, masayang nagmula sa kanilang rehiyon ang Pangalawang Pangulo ng bansa

Very proud ang mga Dabawenyo dahil nagmula mismo sa Davao ang mauupong susunod na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

Naniniwala sila na ipagtatanggol at poprotektahan ni Vice-President elect Inday Sara Duterte-Carpio ang karapatan ng bawat mahihirap na Pilipino.

Malaki rin ang paniniwala ng mga Dabawenyo sa kakayahan ni Mayor Inday Sara para tulungan ang bagong administrasyon na ipagpatuloy ang pag-unlad sa bansa.

Inilarawan pa ng mga Davaoeño na hindi matapobre at marunong makihalubilo sa mga mahihirap si Inday Sara at maayos ang naging palakad niya sa Davao bilang alkalde.

Ngunit ayon naman sa ilang empleyado ng Davao City Hall, malulungkot sila dahil mami-miss nila ang disiplinang ipinatupad ni Inday Sara sa mga empleyado.

Meanne Corvera

Please follow and like us: