DBM OIC Undersecretary Tina Rose Marie Canda , nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma Department of Budget and Management Officer in Charge o OIC Undersecretary Tina Rose Marie Canda na nagpositibo siya sa COVID 19.

Sinabi ni Canda na asymptomatic naman siya o walang nararanasang anumang sintomas ng sakit.

Ayon kay canda bukas ay nakatakda siyang magpa re-swab.

Ang pagiging positibo COVID 19 ni Canda ang dahilan kung bakit hindi ito nakasama sa isinagawang pagsusumite ng DBM sa 2022 proposed national budget sa Kongreso.

Si Canda ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na OIC sa DBM matapos magbitiw sa pwesto si Dating secretary Wendel Avisado dahil sa isyung pangkalusugan.

Vic Somintac

Please follow and like us: