Deadline ng pleadings at iba pang court submissions, pinalawig ng SC dahil sa epekto ng bagyong Odette

Sinuspinde ng Korte Suprema ang filing ng pleadings at ng iba pang court submissions mula Dec. 20,2021 hanggang Jan.3,2022.

Sa administrative circular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi na ito ay bunsod ng pananalasa ng bagyong Odette sa Bicol, Palawan, Visayas, at Mindanao na nagdulot ng matinding pinsala sa mga government infrastructures kabilang na ang halls of justice at private properties.

Binanggit din ni Gesmundo ang pagkawala ng suplay ng kuryente at pagkaputol ng linya ng komunikasyon sa mga apektadong lugar.

Kaugnay nito, pinalawig ng pitong araw mula Enero 4 ang deadline ng paghahain ng anumang pleadings at court submissions na tatama mula Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 3, 2022.

Moira Encina

Please follow and like us: