Death toll ng Covid-19 sa mga overseas Filipino, nananatili sa 811- DFA

Walang naitalang karagdagang mga namatay sa Covid-19 sa hanay ng mga Overseas Filipino.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nananatiling nasa 811 ang death toll.

Habang ang kaso ng Covid-19 ay umakyat naman sa 11,146.

Habang nananatili naman sa 7,184 ang bilang ng mga nakarekober.

Ang Middle East at Africa ang nananatiling may pinakamaraming Covid-19 cases na nasa 7,364; recoveries ay nasa 4,540 at mga namatay na nasa 529.

Please follow and like us: