Death toll sa mga pagbaha sa Germany, lumampas na sa 165

Nangako ang German government na pau-unlarin ang kanilang warning systems sa harap ng pananalasa ng mga pagbaha na ikinasawi na ng mahigit sa isang daan at animnapu’t lima katao.

Maraming mga bahay ang napinsala ng baha kasunod ng pagbuhos ng malalakas na ulan sa nasabing bansa.

Ayon sa German police , marami sa mga nasawi ang nagtangkang isalba ang kanilang mga kagamitan habang ang iba ay tinangay ng rumaragasang tubig baha.

Nasa isang daan at labing pitong katao ang namatay sa Rhineland-palatinate state , apatnapu’t pito naman ang nasawi sa North Rhine -westphalia (NRW) at isa sa Bavaria.

Tatlumpu’t isang katao ang nasawi sa Belgium , at ilan pa ang naiulat na namatay sa iba pang karatig bansa.

Agence France – Presse

Please follow and like us: