Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinangunahan ang pagdiriwang ng 124th Rizal Day

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang flas raising ceremony at wreath laying ceremony sa Jose Rizal monument sa Rizal Park ngayong umaga bilang paggunita sa ika-124 anibersaryo ng pagkamatay ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Kasama ni Lorenzana si Manila Mayor Isko Moreno, National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante at KGCR Supreme Commander Sir Elihu Ybanez.

Matapos ang mga seremonya ay nagbigay ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng virtual.

Ang pagdiriwang ng Rizal Day ngayong taon ay nasa ilalim ng temang “Jose Rizal: Inspirasyon sa Pagbangon at Paghilom ng Bayan”.

Please follow and like us: