Deliver rider arestado dahil sa iligal na droga

Arestado ang isang food delivery rider na tulak umano ng iligal na droga sa Maynila.

Ang suspek ay nahuli matapos ireport ng barangay sa pulisya habang nasa kanto ng Yuseco corner Oroquieta Street sa Sta. Cruz.

Nakuha sa suspek na kinilalang si Eduardo Delos Santos, 48 anyos at residente rin ng nasabing lugar, ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang 13 libong piso.

Ayon kay Lt Col. John Guiagui ng Sta Cruz Police Station, sa report na rin ng barangay ay trinabaho nila ang pagmamanman sa suspek hanggang sa matiyempuhan ito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: