Departure honors para kay PRRD

Bago ang inagurasyon ni President elect Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. bilang ika-labimpitong Pangulo ng bansa ay nagtungo muna ito sa Malacañang.

Ito ay para sa departure honors ni President Rodrigo Roa Duterte na bahagi ng tradisyon sa pagpapalit ng liderato ng bansa.

Pagdating sa Malacañang ni Marcos ay mainit itong sinalubong ni Pangulong Duterte.

Lumagda si incoming President Marcos sa guest book ng Malacañang bago at nagkaroon ng ilang minutong pag-uusap ang dalawa bago simulan ang departure honor kay Pangulong Duterte.

Please follow and like us: