DepEd, magsasagawa ng webinars kaugnay ng AD/HD Awareness Week

Photo: Official FB page/DepEd Philippines

Bilang pagdiriwang sa National Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (AD/HD) Awareness Week sa October 17-23, 2021, nag-aanyaya ang Department of Education para sa isang serye ng webinars.

Pangungunahan ito ng AD/HD Society of the Philippines, na magsisimula sa October 17 (Linggo).

Layon ng isang linggong selebrasyon na may temang “Alagang AD/HD,” na i-highlight kung ano ang pinakamahalaga para sa mga taong may ADHD ngayong panahon ng pandemya.

Ito ay ang gawing makabuluhan, napapanahon at produktibo ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang tao o “human connections.”

Ang nabanggit na webinars ay matutunghayan sa opisyal na Facebook page ng DepEd Philippines.

Please follow and like us: