Destabilisasyon laban sa Duterte Administration magtutuloy-tuloy ayon sa Malakanyang

digong

Naniniwala ang Malakanyang na hindi  titigilan ng oposisyon si Pangulong Duterte para maibagsak sa puwesto.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar halatang planado ang lahat ng kilos ng mga kalaban ng Pangulo dahil sa mga ipinatutupad na kampanya laban sa ilegal na droga at katiwalian sa gobyerno.

Ayon kay Andanar ang pagbaligtad ni SPO3 Arthur Lascañas at idinidiin si Pangulong Duterte sa isyu ng Davao Death Squad ay bahagi din ng plano ng oposisyon.

Inihayag ni Andanar na ang mga destabilisasyon laban sa Pangulo ay konektado sa anibersaryo ng Edsa People Power 1 sa Pebrero a-25 para mahimok ang publiko na sumama sa anti-Duterte rally.

Niliwanag ni Andanar na hindi nababahala si Pangulong Duterte sa mga pagkilos ng oposisyon para ibagsak ang administrasyon.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us: