DFA Consular offices, sarado sa Nov. 1

Sarado sa Lunes, November 1 ang lahat ng tanggapan ng Consular office ng Department of Foreign Affairs dahil sa Undas ng mga Katoliko.

Ayon sa advisory ng DFA, magbabalik ang operasyon sa November 2, Martes kasama ang passport at authentication application services.

Muling pinaalala ng DFA na limitado pa rin ang pinapayagang makapasok sa mga consular office dahil sa pag-iingat sa Covid-19.

Mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask, shield at pagsunod sa iba pang public health measures.

Please follow and like us: