DILG Secretary Eduardo Año muling nagpositibo sa COVID-19

Muling nagpositibo sa COVID-19 test si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Aniya, ang resulta ay base sa COVID-19 RT-PCR test na kaniyang kinuha makaraang magpositibo sa virus ang ilan sa kaniyang close contacts.

Subali’t sinabi ng kalihim na siya ay asymptomatic.

Aniya, ipagpapatuloy nya ang kaniyang trabaho habang naka-quarantine.

Kaugnay nito ay hinimok ni Año ang publiko na hangga’t maaga ay magpabakuna o magpa-booster shot na, at patuloy na sumunod sa health protocols.

Ito na ang ikatlong beses na tinamaan ng Covid ang kalihim.

Please follow and like us: