DOH, babaguhin na ang format ng kanilang COVID-19 case updates

Inanunsyo ng Department of Health na simula sa Lunes ay babaguhin na nila ang format ng kanilang COVID-19 case updates.

Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, mula sa dating maraming pahina ang bagong format ay isang pahina na lamang.

Pero kahit na pinaiksi, tiniyak ng opisyal na lahat ng mga mahahalagang impormasyon na kailangan ng publiko ay naroon.

Ayon kay Vergeire nagsagawa sila ng survey at bumuo ng caucus group hinggil rito sa layuning maging mas madaling intindihin ng publiko ang kanilang mga COVID-19 case updates.

Para naman sa iba pa aniyang impormasyon na nais malaman ng publiko ay maaaring makita sa website ng DOH na www.doh.gov.ph.

Madz Moratillo

Please follow and like us: