DOH hindi parin magrerekumenda ng travel restriction

Kahit umabot na sa 44 ang naitalang UK Variant case ng COVID- 19 sa bansa, hindi parin irerekumenda ng Department of Health na magpatupad muli ng travel restriction ang bansa.

Paliwanag ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire, mismong mga eksperto na ang nagsabi na hindi maaaring ma-isolate ng matagal ang Pilipinas mula sa iba pang bansa.

Giit ng opisyal sapat na ang mga inilatag na safeguards ng gobyerno bilang pag iingat laban sa mga bagong variant ng COVID-19.

Dagdag pa ni Vergeire, ang mga binabantayang bagong Variant gaya ng mula sa United Kingdom ay kumalat na sa mahigit 70 bansa habang ang South African variant namn ay kumalatnna umano sa mahigit 30 bansa.

Kung mapapanatili aniyang mababa ang bilang ng COVID- 19 variant sa bansa ito ay makakaya pang pigilan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: